Advertisers
NASAWI ang 75-anyos na lalaki nang tambangan sa Barangay La Fuente, Sta. Rosa, Nueva Ecija.
Kinilala ang biktima na si Nicasio Yuson Jr., may-ari ng isang manggahan.
Ayon sa ulat, binabagtas ni Yuson ang kahabaan ng Sta. Rosa Bridge sakay ng kanyang Toyota Fortuner na may plakang UPQ-427 nang tapatan ito ng riding in tandem at pinagbabaril.
Agad tumakas ang mga salarin.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.