Advertisers
NAWAWALA ang isang abogado at propesor sa University of the Philippines College of Law sa Quezon City simula pa nung Sabado, Nobyembre 21.
Umaapela ng tulong sa mga otoridad at publiko ang pamilya ni Atty. Ryan Oliva upang matunton ang kinaroroonan ng abogado.
Ayon sa kapatid ng biktima na si Randy, huli nilang nakita si Ryan noong Sabado pa ng gabi nang umalis ito sa kanilang tahanan sa Quezon City, ngunit hindi na ito nakauwi pa.
Nananawagan si Randy sa sinumang makakakita o may nalalamang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng kanyang kapatid na kontakin lamang siya sa numero 0906-300-1009.
Samantala, batay sa official website ng UP College of Law, nagtuturo si Ryan ng legal history at law on agency and partnership.
Nagtatrabaho rin si Ryan sa legislative liaison unit ng Department of Tourism (DOT).