Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,392 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Nobyembre 26.
Samantala ay mayroon namang naitalang 328 na gumaling at 27 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.8% (28,789) ang aktibong kaso, 91.3% (387,266) na ang gumaling, at 1.94% (8,242) ang namatay.
Sa nasabing bagong bilang ng karagdagang mga kaso, ang Caloocan City ang nangunguna sa may naitalang mataas na kaso na nasa 77; na sinundan ng Cavite City na may 73 kapareho sa Laguna.
Hindi naman nawawala ang Davao City sa daily case update ng DOH na may naitatalang kaso na may 62 habang 60 kaso naman sa Quezon. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)