Advertisers

Advertisers

LAWYER NI DE LIMA BINALAAN NG VACC

0 319

Advertisers

BINALAAN ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang abogado ni Senador Leila de Lima sa sunud-sunod na pahayag nito na nalathala sa maraming pahayagan na diumano’y lumalabag sa ‘sub judice rule’ ukol sa mga kasong hinaharap sa kasalukuyan ng senadora.
Sa kanyang pahayag, sinabi ng puno ng Legal Committee ng VACC na si Atty. Ferdinand Topacio na maaring maging “liable for indirect contempt of court” si Atty. Boni Tacardon dahil nagdidiskurso na raw ito sa “merits of the case” gayong nasa paglilitis pa ang kaso ni De Lima.
Maaalalang ang VACC ang isa sa mga grupong nagsampa ng orihinal na kaso laban kay De Lima ukol sa tinatawag na “Bilibid Drug Trade” noong Setyembre 2017.
Ayon kay Topacio, naghahanda ang VACC na magsampa ng kaso laban kay Tacardon dahil sa maaari raw makaimpluwensiya sa korte at magalit ang mga taong-bayan sa sistema ng hustisya sa bansa dahil sa mga pinagsasasabi ni Tacardon.
“His pronouncements tend to call in question the actions of the courts, including the highest court of the land as well as the trial courts, and undermine the faith of the people in the judicial system”, ani Topacio.
Noong Disyembre ng nakaraang taon ay naghain din ng reklamong “contempt of court” ang VACC laban kay Bise-Presidente Leni Robredo at ang manunulat na si Gideon Lasco dahil sa mga pahayag nila tungkol din sa kaso ni De Lima. Nakabinbin ang kaso hanggang sa ngayon.