Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,061 bagong kaso ng Covid-19 sa bansa habang 328 ang gumaling at 10 ang nadagdag sa mga pumanaw dahil sa sakit nitong Huwebes, Disyembre 3.
Sa kabuuan, pumalo na sa 435,413 ang kumpirmadong kaso at 399,325 ang recoveries habang 8,446 naman ang namatay.
Sa kabila nito, nasa 27,642 pa ang aktibong kaso o mga pasyenteng nakikipaglaban sa sakit na ang mild at asymptomatic ay nasa 92.1 percent.
Muling nanguna ang Davao City sa may naitalang maraming kaso ngayong araw na may 92 na nakapantay nito ang Quezon City.
Kasama rin sa top 5 ang Rizal sa bilang 50 kaso, Pampanga na may 44 kaso at mayroon namang 43 kaso sa Quezon.
Samantala, 13 laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa Covid-19 Data Repository System (CDRS) nitong Disyembre 2. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)