Advertisers
NAGHAIN si Atty. Larry Gadon ng impeachment complaint sa Kamara laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen nitong Lunes, Disyembre 7.
Kasama ni Gadon na pumunta sa opisina ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza ang tumatayong complainant na si Edwin Cordevilla, ang Secretary General ng Filipino League of Advocates For Good Government (FLAGG).
Base sa 41-pahinang reklamo, culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust ang pinagbatayang grounds ng impeachment laban kay Justice Leonen.
Paliwanag ni Gadon, hindi ng kanyang Statement of Asset Liabilities and Networth o SALN si mahistrado gayundin delayed ang pagresolba nito ng mga kaso na kanyang hinahawakan.
Sa ilalim ng Impeachment Rules kailangang mayroong kongresista na endorso ng impeachment complaint bago ito madala sa Committee on Rules ng Kamara para maisalang sa unang pagbasa at i-refer sa Committee on Justice.
Sa Committee on Justice diringgin ang impeachment complaint kung saan maghaharap ng testigo at ebidensya ang complainant at respondent.
Kapag napatunayang guilty sa komite, iaakyat ito sa plenaryo upang aprubahan saka naman dadalhin sa Senado na tatayong Impeachment Court.
Si Ilocos Norte 2nd District Rep. Angelo Barba ang nag-endorso sa Kamara ng impeachment complaint kay Justice Leonen.
Bilang isang Supreme Court Justice si Leonen, sa ilalim ng 1987 Constitution maari lamang ito maalis sa puwesto maliban sa kanyang pagbibitiw at pagreretiro sa pamamagitan ng impeachment.
Matatandaang si Atty. Gadon din ang naghain ng reklamong impeachment laban kay dating Chief Justice Ma Lourdes Sereno na napatalsik naman dahil sa quo warranto ng Supreme Court. (Josephine Patricio)