Advertisers

Advertisers

Mayor Gatchalian sinuspinde business permit ng NLEX

0 270

Advertisers

PORMAL nang isinilbi ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian nitong Lunes ng hapon ang suspension order ng lokal na pamahalaan laban sa North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa kapalpakan ng RFID na nagdulot ng sobrang bigat ng trapiko sa lungsod.
Ayon sa ulat, personal na nagtungo si Gatchalian sa Mindanao Avenue Toll Plaza para isilbi ang order matapos mabigo ang NLEX sa itinakdang 5 p.m. deadline para maresolba ang mga isyu sa ipinatutupad na cashless payment system.
“We don’t want to cause more anxiety sa ating riding public,” ayon kay Gatchalian.
“Ang nilalaman lang no’n (suspension order), number one, suspended na ‘yung business permit nila. Number two, itataas nila ‘yung mga barrier kasi tuloy ‘yung operations nila,” dagdag niya, kung saan sinabi niya na wala siyang karapatan para pigilan ang operasyon ng NLEX.
Bago ito, ipinag-utos ni Gatchalian sa pamunuan ng NLEX na mag-publicly apologize sa lahat ng apektado ng palpak na cashless payment system at ipatutupad ang toll holiday hanggang sa maresolba ang problema.