Advertisers

Advertisers

Andrea nanguna sa Local Celebrities sa Tiktok; Kris mas prayoridad ang career kaysa pagpapakasal

0 241

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MARAMING natuwa na netizens at followers ng young actress na si Andrea Brillantes at naungusan nito ang mga kapwa niya celebrities sa Tiktok.

Tatahi-tahimik nga raw si Andrea sa kanyang pagti-Tiktok pero ayun at nanguna ito.



Kahit ang mga bihasa na sa Tiktok na mga kasamahan niya sa industriya ay inunahan nito.

Happy naman ang kanyang fans na kahit ‘di nakikita sa telebisyon ngayon ay may isang platform sa socmed na tulad ng Tiktok na nakakasama pa rin nila ang kanilang idol.

Narito pa ang ilang artista na nakasama sa Top 10 ni Andrea sa Tiktok.

  1. Andrea Brillantes 2. Sanya Lopez 3.Vice Ganda 4. Sofia Pablo 5. Jodi Sta. Maria 6. Maja Salvador  7. Maymay Entrata  8. Ella Cruz  9. Heart Evangelista at 10. Kyline Alcantara.

Bonggacious!

***



THIS year sana ang pag-iisang dibdib ni Kris Bernal sa non-showbiz bf na si Perry Choi.

Pero dahil sa pandemya ay hindi ito natuloy at naapektuhan din ang career nito sa GMA-7 at hindi na ni-renew ang kontrata.

Mabuti na nga lang at naagapan nito ang paglipat sa Kapatid network.

Freelance talent si Kris pero Kapuso pa rin ito.

May project nga siya na kasama ang Kapamilya stars na nasa TV5 na rin na sina Piolo Pascual, Maja Salvador at Jake Cuenca.

Sey ni Kris, sa ngayon ay mas priority raw niya ang career kaysa ang pagpapakasal.

Pinost ng aktres sa IG na makapaghihintay naman daw ang kanyang fiance.

Well, well, well…’Yun na!