Advertisers

Advertisers

Arjo Atayde unang Pinoy actor na nanalo sa Asian Academy Creative Awards

0 313

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

 



HINDI pa rin maitago ng best actor ng Asian Academy Creative Awards (AAAs) 2020 na si Arjo Atayde ang sobrang kasiyahan sa kanyang solo virtual presscon na inorganisa ng Star Magic kahapon.

Hanggang ngayon ay tila nakalutang pa rin si Arjo matapos niyang masungkit ang unang acting award ng bansa nitong nakalipas na Biyernes, Dec. 4, sa nasabing kumpetisyon na nilahukan din ng mahuhusay na actor mula sa iba’t ibang bansa.

Tsika ni Arjo, ilang oras daw na matindi ang kanyang kaba habang hinihintay ang resulta ng awards night lalo na sa kategoryang best actor.

Kaya nung finally ay siya ang tinawag na best actor para sa pelikulang “Bagman” ay hindi anya siya makapaniwala.

 



Nakalaban ng actor sa pagganap niya sa iWant original series na “Bagman,” sina Luo Jin (China), Manoj Bajpayee (India), Miller Khan (Indonesia), Bront Palarae (Malaysia), Anthony Wong (Hong Kong), Kha Ra (Myanmar), Zhang Yao Dong (Singapore), Prin Suparat (Thailand), at Ching-Ting Hsia (Taiwan).

 

Bago pangalanang pinakamagaling sa Asya, pinili ng jury members ng AAAs si Arjo bilang national winner na kumatawan sa Pilipinas sa Best Actor category.

 

Ang Dreamscape Entertainment at iWant (na ngayon ay kilala na bilang iWantTFC) naman ang pumili kay Arjo at nagpasok sa kanya sa local competition.

 

Bago pa man kilalanin sa ibang bansa, pinuri na ng maraming manonood at netizens sa bansa ang pagganap ni Arjo bilang si Benjo Malaya, isang dating barberong umangat sa mundo ng pulitika at katiwalian.

 

Positibo rin ang reviews para sa dalawang seasons ng serye dahil sa matapang na paglalahad nito ng kalagayan ng lipunan at pagsusuri sa mundo ng pulitika at katiwalian. Napapanood pa rin ito sa iWantTFC app (iOS at Android) at sa site (iwanttfc.com).

 

Nasa ikatlong taon na ang AAAs, na itinuturing na pinakaprestihiyosong awards na kinikilala ang “creative excellence” sa buong Asia-Pacific kasama ang 16 bansa. Bahagi rin ito ng Singapore Media Festival. 

Sabi pa ni Arjo, maliban sa kanyang pamilya at gf na si Maine Mendoza, inaalay niya ang kanyang award sa ABS-CBN, sa mga boss niya rito at sa mga taong naniniwala sa kakayahan niya.

Dagdag pa ng best actor ng AAAs, wala na umano siyang hihilingin pa na Christmas wish o gift dahil nakuha na raw niya ito sa pananalong best actor sa nabanggit na international award-giving-body.

***

ANAK NINA JOHN LLOYD AT ELLEN, SI PIOLO ANG KILALANG AMA

 

MAY panunukso para sa ex-live-in partner na si John Lloyd Cruz ang Instagram post ni Ellen Adarna na may kinalaman sa kanilang 2-anyos na anak na si Elias Modesto.

Post ni Ellen, tuwing tatanungin umano niya si Elias kung sino ang papa nito, ang mabilis na sagot ng bata, “si Papa P” na tinutukoy ay si Piolo Pascual.

Kaya tuloy biro ni Ellen, “Hala, John Lloyd left the group chat.”

Siguro naman ay hindi ito ikagagalit ni Lloydie dahil biro lang ito at alam ng lahat na siya ang ama ni Elias.