Advertisers
PINAGRE-RESIGN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga incompetent na mga tauhan at opisyal ng Toll Regulatory Board (TRB).
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ‘wag na dapat pang hintayin ng mga ito na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte pa ang mag-utos na sibakin sila.
Pero ani Roque, hindi lang ang mga tauhan ng TRB ang kailangang isaayos at pagbutihin ang kanilang serbisyo, kung ‘di pati na rin ang iba pang mga regulatory body.
Nauna rito, sinabi ng Pangulo sa kanyang talk to the nation nitong Miyerkules ng gabi, Disyembre 16, na batid niya ang pinanggagalingan ng galit ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian hinggil sa palpak na pagpapatupad ng cashless system sa mga tollgates ng NLEX.
Kasunod nito, nagpasalamat si Gatchalian kay Pangulong Duterte dahil sa pag-iintindi nito sa tunay na problema sa naturang sistema. (Vanz Fernandez)