Advertisers

Advertisers

5 NPA patay sa sagupaan sa Rizal

0 261

Advertisers

TODAS ang limang miyembro ng New People’s Army (NPA) Southern Tagalog kabilang na ang kanilang spy at revolutionary tax collector sa naganap na eng-kwentro nitong Huwebes ng umaga sa Barangay San Juan, Baras, Rizal.
Kinilala ang dalawa sa limang nasawi na sina alyas na Sandra, asawa si alyas Luis; secretaryng guerilla front na si Cesar na si-yang revolutionary tax collector; at alyas Onli, ang intelligence officer.
Ayon kay 2nd Infantry Division spokesperson Captain Jayrald Ternio, isisilbi lang sana ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya ang warrant of arrest laban sa isang Antonio Cule alyas Dad, ang pinuno ng finance staff and execom member ng SRMA4A, sa kasong murder. Pero agad silang pinagbabaril ng mga NPA kaya nagkaroon ng labanan na ikinasawi ng limang rebelde.
Pinaghahanap pa ng tropa ng militar si alyas Dad na target ng warrant of arrest.
(Mark Obleada)