Advertisers

Advertisers

ABOGADA PATAY SA AMBUSH!

0 372

Advertisers

ISA na namang abogado sa Cebu ang nasawi sa pananambang nitong Bi-yernes ng hapon sa bayan ng Danao.
Kinilala ang biktima na si Atty. Baby Maria Concepcion Landero Ole, biyuda, residente ng Camaligbato, Barangay Taboc, Danao, Cebu.
Sa report, 2:50 ng hapon nang maganap ang krimen sa Barangay Looc, Dakbayan sa Danao.
Sa ulat, sakay ang biktima ng kanyang pick-up nang tambangan ito ng riding in tandem at pinagbabaril, nagresulta ng agaran nitong kamatayan.Mabilis na tumakas ang mga salarin.
Nitong nakalipas na Nob-yembre 24, 2020 ay pinagbabaril din at napatay si Atty. Joey Luis Wee, 51, sa kanyang tanggapan sa Alchi Business Center J. Panis St., Barangay Kasambagan, Cebu City.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyn sa krimen.