Advertisers
TODAS ang chief investigator ng Cordova Police Station sa Cebu nang tambangan ng riding in tandem nitong Huwebes.
Kinilala ang biktima na si Master Sgt. Eleazar Llanes, miyembro ng Intelligence Unit and Drug Enforcement Unit.
Sa report, 5:00 ng hapon nang maganap ang krimen sa Calan 2, Barangay Poblacion, Cordova.
Ayon sa ulat, nagpaalam si Llanes para kumain, ngunit hindi na ito nakabalik sa kanilang istasyon.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.
@@@
Pulis todas sa riding-in tandem
NASAWI naman ang isang pulis nang pagbabarilin ng riding in tandem sa harapan ng kanyang tindahan sa Nueva Ecija.
Kinilala ang biktima na si SSgt Mark Levy Palilio, nakatalaga sa San Leonardo Police Station sa Nueva Ecija, ng Purok Piligan, Brgy Daan Sarile, Cabanatuan City.
Ayon sa ulat, naganap ang pamamaril sa Maharlika Highway, Brgy. Sangitan West, Cabanatuan City.
Sa report, abala ang biktima at nakatayo sa harapan ng kanyang tindahan nang sumulpot ang riding in tandem na kapwa nakasuot ng itim na jacket at pulang helmet, at agad pinagbabaril ang pulis at mabilis na tumakas.
Nagsagawa pa ng malaliman imbestigasyon ang pulisya.
(Mark Obleada)