Advertisers
TULUYANG nalagutan ng hininga ang 73-anyos na babaeng nakaratay nang gahasain ng kanyang kapitbahay sa ba-yan ng Loay sa unang araw ng taon.
Ayon kay Staff Sgt. Annalyn Taer ng Loay Police Station – Women’s and Children’s Protection Desk, natutulog ang biktima nang pagsamantalahan ng isang Melchor Gonzales, 3:00 ng hapon.
Sinabi ng kapitbahay ng biktima na nakita niya si Gonzales na patungo sa tahanan ng matanda sa Barangay Oriental at pinigilan pa niya ito.
Base pa kay Taer, nasa stable na kondisyon pa ang biktima makaraang gahasain ngunit hindi na nakapagsasalita.
Ilang oras lamang ang nakalipas, binawian ito ng buhay.
Ayon sa Loay Municipal Health Office, nasawi ang biktima sa “probable asphyxia due to suffocation.”