Advertisers

Advertisers

Pagbabakuna kontra COVID-19 sa Maynila ‘di parin matukoy ng MPD

0 210

Advertisers

HINDI parin matukoy ng Manila Police District (MPD) ang umano’y nangyayaring COVID-19 vaccination sa Binondo, Maynila.
Ayon sa MPD Director, Brigadier General Leo Francisco, hindi pa nila mapatunayan na may nagaganap na pagpapaturok ng bakuna kontra COVID-19 dahil wala pa silang mahanap na ebidensiya.
Unang kumalat ang balita na dinadala sa isang hotel sa Binondo ang mga kliyente at doon umano binabakunahan.
Dahil dito, nag-ikot ang MPD kasama ang Bureau of Permits ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa Binondo para alamin ang nasabing impormasyon pero hanggang ngayon ay hindi pa nila ito maberipika.
Maging si Manila Mayor Isko Moreno ay nais malamam at mapatigil ang umano’y nangyayaring pagbabakuna kontra COVID-19 sa Binondo dahil hindi ito otorisado at nais niyang makasuhan ang mga responsable sa insidente.(Jocelyn Domenden)