Advertisers

Advertisers

2 kawatan nagpanggap na pulis huli sa Maynila

0 623

Advertisers

DINAKIP ang dalawang lalaki at isang babae matapos magnakaw ng pera mula sa isang negosyante sa Maynila nitong Lunes.
Kinilala ang nagrereklamo na si Byron Patricio, negosyante.
Kuwento ng biktima, may gustong magsanla ng sasakyan sa kanya at isang Sherwin Gorospe ang nag-text. Nagkasundo ang dalawa na magkita sa service road sa Roxas Blvd. sa Malate Linggo ng gabi, pero isang alyas Alex ang nakausap ng biktima kasama ang dalawang iba pa na sina Richard Cuason at Winnie Cyrene at dito ipinakita ang sasakyan na may plate number NCV-3993.
Pagka-check niya sa papeles ng kotse ay pumayag siya sa transaksyon at ibibigay na niya ang P180,000 cash na napagkasunduan.
Pero nang iabot na niya ang pera, may dalawang lalaki ang nagpakilalang pulis at sinabing may problema raw ang kotse. Tinutukan siya ng baril at kinuha ang P180,000 mula sa biktima at sinabing sumama at pupunta sila sa Camp Crame para sa imbestigasyon.
Sumama ang biktima sa mga suspek, pero pinababa siya sa Finance Road sa may National Museum. Umalis agad ang mga suspek at iniwan siya sa sidewalk.
Agad na humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis kaya’t nasakote ang tatlo sa mga ito na sina Cuason at Cyrene at Jervin Gavieres, habang pinaghahanap ang tatlong iba pa na ang isa sa mga ito ay nakilalang si Felizardo Salonga, kagawad ng Barangay 407at residente ng San Anton St., Sampaloc, Manila.
Hindi na nabawi ang perang kinuha mula sa biktima, pati ang tatlong iPhone at mga alahas nito na nagkakahalaga umano ng P446,000.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong ‘robbery with violation against or intimidation of person’.(Jocelyn Domenden)