Advertisers

Advertisers

Ginang sinubo, kinagat ang bayag ng ex-bf nang ipagpalit sa iba!

0 717

Advertisers

KINAGAT ng isang ginang ang bayag ng dati niyang nobyo nang ipagpalit ito sa ibang babae sa Aklan.
Duguan at iika-ikang nagtungo sa himpilan ng Makato Police Station ang lalaki na itinago sa pangalang “Bogart”, nasa hustong gulang, at nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, 2:00 ng hapon nitong Lunes nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng lalaki.
Kuwento ni Bogart, pinuntahan siya ng dating kinakasama na itinago sa pangalang “Lorena”, nasa hustong gulang, sa pag-aakalang susuyuin siya para balikan niya ito.
Aniya, bigla na lamang siyang hinawakan sa ulo ni Lorena saka hinuburan ng shorts at brief sabay isinubo ang kanyang ari.
Hindi na nakatanggi si Bogart sa ginagawa sa kanya ni Lorena dahil sa hatid na sarap nito.
Ngunit ilang saglit lamang ay kinagat ni Lorena ang kanyang itlog hanggang sa magdugo ito. Mabilis na tumakas si Lorena na may dugo pa sa bibig habang humihiyaw sa sakit si Bogart.
Dumiretso na sa ospital ang biktima at agad humingi ng tulong sa pulisya para ireklamo ang dating dyowa.
Sinabi ng biktima na nagalit sa kanya si Lorena dahil ipinagpalit na niya ito sa ibang babae.