Advertisers
HALOS dalawang libo na mga kaso ng Covid-19 ang muling naitala ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, Enero 10.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), umabot sa 1,906 ang bagong kasong naitala ngayong araw kaya umakyat na sa kabuuang 487,690 ang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Sumampa naman sa 458,198 ang mga recoveries dahil sa naitalang 8,592 na gumaling sa sakit.
Walo naman ang naitalang bagong pumanaw kaya umabot na sa 9,405.
Muling nanguna ang Quezon City sa may mataas na naitalang kaso na may 121.
Sa Benguet naman ay nakapagtala ng 84 kaso. Mayroon namang 82 sa Davao City , 79 sa cavite at 75 sa Bulacan.
Nasa 20,087 naman ang aktibong kaso na kasalukuyang mga nagpapagaling.
(Jocelyn Domenden/Andi Garcia)