Advertisers
BINALAAN ng Department of Education (DepEd) ang publiko sa kumakalat na modus na donation drive na mga grupo na humingi ng tulong pinansiyal.
Ito’y matapos makatanggap ang kagawaran ng mga ulat na ginagamit mismo ang pangalan ni Secretary Leonor Briones, at iba pang opisyal ng ahensiya para makakuha ng pera.
Pahayag ng DepEd, wala silang isinasagawang donation drive.
Sinabi pa ng ahensya, iniimbestigahan na ang mga reklamong natatanggap nila.
Nagbigay naman ang DepEd ng contact details kapag maka-engkuwentro ang sinuman sa kahina-hinalang transaksiyon, maaaring i-ulat sa mga sumusunod na numero at email address:
-(02) 8636-1663
-(02) 8633-1942
-depedactioncenter@deped.gov.ph