Advertisers
UNANG magpapaturok si Pangulong Rodrigo Duterte ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang pagtiyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang sa gayon mawala ang takot ng publiko sa posibleng epekto ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Roque, sinisigurado niya sa publiko na uunahin ng pangulo ang kapakanan at kalusugan ng taumbayan kaysa sa interes ng iba.
Kamakailan inihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na aasahan na darating sa ika-20 ng Pebrero ang suplay ng bakuna sa bansa, na kung saan agad nilang uumpisahan ang vaccination program sa pagdating ng suplay sa bansa. (Vanz Fernandez)