Advertisers
KINUMPIRMA ng pamunuan ng Metro Manila Council (MMC) na nagkaisa ang 17 alkalde sa National Capital Region (NCR) na sabay-sabay na ilulunsad ang vaccination program laban sa COVID-19.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, chairperson ng MMC, naghahanda na aniya ang vaccinators ng lahat ng local government unit ng Metro Manila.
Bukod pa dito ay nakahanda na rin ang mga lugar kung saan isasagawa ang nasabing programa.
Bawat LGU ay mayroong 30% sa kanilang populasyon ang kanilang babakunahan na prayo-ridad ang frontline workers, mga may edad at ‘yung nasa vulnerable sector.
Ang nasabing hakbang, ayon kay Olivarez, ay para maging pantay-pantay at walang mauunang mga LGU sa kanilang vaccination program.
(Josephine Patricio)