Advertisers

Advertisers

Scholarship para sa mga anak ng solo parent lusot na sa kamara

0 399

Advertisers

PINAGTIBAY na sa Kamara ang House Bill 8097 na layong amyendahan ang Republic Act 8972 o ang “Solo Parents Welfare Act of 2000” at big-yan ng dagdag na benepisyo ang solo parents sa bansa.
Sa ilalim ng panukala, mabibigyan ang mga solo parents ng 10 percent discount at exemption sa value-added tax sa mga basic necessities tulad ng gatas, pagkain at gamot ng mga anak.
Entitled din ang mga ito sa 7 days na paid parental leave ano man ang kanilang employment status.
Bukod dito, mabibig-yan din ng scholarship program ang kwalipikadong solo parent at full scholarship naman para sa isa nitong anak katuwang ang TESDA, CHED at DEPED
Sakaling may iba pang anak ang solo parent, bibig-yang prayoridad naman ang mga ito sa ilalim ng UNIFAST Program.
Mahaharap naman sa multa at mabigat na parusa ang mga indibidwal, kor-porasyon, ahensya na tatanggi o hindi kikilalanin ang benepisyong narara-pat sa mga solo parents.
Umaasa ang mga kongresista na agad ding pagtitibayin ng Senado ang kanilang bersyon ng panukala dahil isa ito sa mga priority legislation na binanggit ng Pangulong Duterte sa kanyang SONA. (Henry Padilla)