Advertisers

Advertisers

4 fixers, huli nang alukin ng serbisyo ang Mayor ng Marikina

0 273

Advertisers

Dinampot ang apat na fixer sa Land Transportation Office (LTO) sa lungsod ng Marikina makaraang alukin mismo si Mayor Marcelino Teodoro ng kanilang serbisyo.
Ayon kay Teodoro, mag-iinspeksyon daw sana ito ng dregding project sa siyudad nang pinara ito ng mga fixer para umano sa LTO registration.
Napansin ni Teodoro na hindi nakauniporme ang mga ito kaya inisip niya na fixer ang mga ito na naghahanap ng kliyente.
Agad naman daw tumawag ang alkalde sa PNP at pinadampot ang mga fixer.
Maliban sa tatlo, may isa pa raw fixer na nahuli ang mga pulis sa isinagawang follow-up.
Sumailalim na aniya ang mga ito sa inquest proceedings para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
Sigurado raw si Teodoro na may mga kasabwat at may protektor pa ang mga ito sa loob ng LTO kaya sana raw umamin na ang mga fixer.