Advertisers

Advertisers

MINORS BAWAL PANG LUMABAS – ISKO

0 329

Advertisers

“HINDI pa puwede”.

Ito ang desisyon ni Manila Mayor Isko Moreno kaugnay ng tanong kung papayagan nang lumabas ang mga menor de edad sa gitna ng general community quarantine (GCQ). Sinabi pa ng alkalde na kailangan pang magsagawa ng malalimang pag-aaral kaugnay nito.

Sa kanyang mensahe sa regular na flag-raising ceremony sa Manila City Hall, Lunes, Jan. 25 ay sinabi ni Moreno na base sa records ng local government ang malaking bahagi ng mga tinamaan ng COVID-19 ay pawang mga kabataan.



“Dahil tayo ay nasa GCQ pa, aaralin muna natin kung pwede na sila magpagala-gala. Batay sa ating datos, malaking bahagi ng impeksyon ay nasa kabataan. ‘Wag nating balewalain ang sakripisyo natin nitong nakaraang sampung buwan,” ayon kay Moreno.

Noong Lunes din ay pinanumpa ng alkalde ang mga opisyal at miyembro ng iba’t-ibang youth groups na kumakatawan sa anim na distrito ng Maynila. Dahil dito ay nanawagan ang alkalde sa mga ito, partikular sa Manila Youth Development Council, na ipakalat ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa kampanyang mapigilan ang COVID-19 kung hindi man ay tuluyan na itong masugpo.

Sinabi ng alkalde na ang bakuna kontra coronavirus ay paparating na sa mga darating na buwan at ang kailangan na lamang gawin sa ngayon ay magtiis ng kaunti upang huwag masayang ang mga sakripisyo ng lahat nung mga nakaraang buwan.

Matatandaan na ipinukol ng national government sa mga local government units (LGUs) ang desisyon kung papayagan na ang mga edad 10 – 14 na itinuturing bilang classified high-risk age group kasama ang mga senior citizens bilang mga authorized persons outside of residence (APOR).

Ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay pinayagan ang rekomendasyon sa nasabing mga edad pero ito ay sa mga lugar kung saan umiiral ang Modified General Community Quarantine (MGCQ). Ito ay magsisimula sa February 1, 2021.



Sa kabilang banda, ito ay base sa panukalang ginawa ng Department of Trade and Industry, na ang layunin ay pasiglahin ang takbo ng ekonomiya. (ANDI GARCIA).