Advertisers
Simula Enero 27 kasabay ng International Holocaust Remembrance Day, mapapanood ng standard at premium subscribers ang “Quezon’s Game,” na tungkol sa pagsagip ni Pres. Manuel L. Quezon (Raymond Bagatsing) sa 1,300 Jewish refugees mula sa Holocaust na nagsimula noong 1938.
Mapapanood din ng lahat ng iWantTFC users ang totoong kwento ng ilang Jewish survivors na tumira sa Pilipinas o tinatawag na Manilaners sa docu series na “The Last Manilaners” dahil libre rin itong mapapanood sa Enero 28.
Humakot ng parangal ang “Quezon’s Game” sa iba’t ibang bahagi ng mundo simula noong ipinalabas ito noong 2018. Kabilang sa mga award nito ang 12 awards mula sa Cinema World Fest Awards, anim mula sa IndieFEST Film Awards, at apat mula sa WorldFest-Houston International Film & Video Festival, kabilang na ang Remi Award for Best Foreign Picture.
Inulan din ng papuri ang pelikula dahil sa mahusay nitong pagkukuwento. Nagandahan sa finale ng “Quezon’s Game” si Philippine Daily Inquirer entertainment editor Rito P. Asilo at sinulat na ito ay “one of the most indelible and touching finales ever staged this film season.”
Ang “Quezon’s Game” ay mula sa direksyon ni Matthew Rosen at pinagbibidahan naman ni Raymond Bagatsing.