Advertisers

Advertisers

Rason kaya ‘di puede isapubliko pagpabakuna ni Du30: ‘SA PUWET KASI MAGPAPATUROK’

0 225

Advertisers

MAGPAPABAKUNA si Pangulong Rody Duterte kontra COVID-19 pero nakapribado, sabi ng Malakanyang nitong Martes, sa kabila ng mga panawagan na gawin ito sa publiko para magkaroon ng kumpiyansa ang mga Pinoy sa bakuna.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, si Pangulong Duterte ay tutularan ang ginawa ni Queen Elizabeth at kanyang mister ng Britain na nagpabakuna ng Covid-19 sa pribado.
Nang tanungin kung ito ay pinal na, sinabi ni Roque: “I think so. He has said so.”
“Sabi nga niya dahil sa puwet siya magpapasaksak, hindi pupuwedeng public,” sabi ni Roque sa mga mamamahayag sa online briefing.
Dinenay ni Roque na si Pangulong Duterte ay tumanggi magpaturok sa harap ng publiko dahil nabakunahan na sila ng sekreto ng kanyang security team noon pang nakaraang taon.
Ang 75-anyos na Pangulo, na may mga isyu sa kanyang kalusugan, ay kabilang sa mga vulnerable na may sintomas ng respiratory disease.
Ang ibang mga pangulo ng kanilang bansa tulad nina US President Joe Biden, Indonesian Pres. Joko Widodo at Prime Minister Lee Hsien Loong ng Singapore ay nagpabakuna na sa harap ng publiko.
Sabi ng health expert na si Dr. Tony Leachon, dating special adviser ng National Task Force kontra Covid-19, si Pangulong Duterte ay “extremely popular” kaya dapat magpaturok ng bakuna sa harap ng publiko para magkaroon ng kumpiyansa ang mga Pinoy sa gamot na ituturok rin sa kanila.
“If he would be able to show to the public his inoculation with whatever vaccine he chooses, I’m certain vaccine hesitancy rate will go up,” diin ni Leachon sa ABS-CBN News.
“Sobrang popular ni Pangulo, so makakatulong sana to boost ‘yung confidence ng ating mga kababayan kung makita siya [magpabakuna],” sabi naman Vice President Leni Robredo.
Sa survey ng Pulse Asia, halos 47 percent ng mga Pinoy ay ayaw magpakuna ng kontra Covid-19.
Sa hiwalay na survey naman ng OCTA research group, nabatid na 1/4 lamang ng mga residente ng Metro Manila ang gusto magpabakuna ng kontra Covid-19.