Advertisers

Advertisers

Yorme Isko pinayagan na ang anak na si JD na karirin ang showbiz

0 279

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMING Pinoy ang nagulat  nang bumulaga sa kanila ang balita na isang military wedding ang naganap sa isang port sa Maynila, at ang ikinasal ay ang Kapuso actor/navy reservist na si Rocco Nacino at ang PVL star na si Melissa Gohing.

Planadong-planado ang naturang kasalan at si Rocco mismo ang personal na nag-asikaso ng kanilang kasal sa tulong din ni Melissa, as in walang wedding coordinator na kinuha ang mag-asawa. Pero sa kabila pala ng maayos at magandang kasalan na ito ay muntik na itong hindi ituloy ni Rocco.



Marami kasi ang pumapasok sa isipan ng mag-asawa, the night before the wedding. Una na rito ay ang forecast ng panahon. Ayon sa ulat ay 90 % ang possibility na uulan sa kinabukasan, araw mismo ng kasal. Kung uulan malamang ay basang-basa sila habang kinakasal sa open deck ng  naval ship na BRP Davao Del Sur LD602.

At ang isa pang agam-agam ni Rocco ay ang posibilidad na any moment ay  baka kailanganin ang barko dahil ginagamit ito sa mga misyon gaya ng giyera o relief operation. Kung sakaling abisuhan sila ay wala silang choice ni Melissa kung hindi ang ipagpaliban ang kanilang kasal kapag may emergency operation ang militar.

Sa kabutihang palad, biniyayaan sila ng magandang panahon sa araw mismo ng kanilang kasal at habang nalalapit ang takdang oras ng kasal ay walang emergency notice na natanggap si Rocco na kakailanganin ang naval ship sa araw na iyon. Mabuhay ang bagong kasal!

***

LABIS ang kagalakan sa puso ni JD Domagoso sa pagbibigay sa kanya ng blessing ng amang si Yorme Isko Moreno na ituloy ang pag-aartista nito habang patuloy ang pag-aaral.



Sa umpisa ng pagpasok ni JD sa showbiz ay pa-guest-guest lang sa live show ng GMA-7,  walang regular show dahil sa mas nais ni Yorme na ituon ni JD ang oras sa pag-aaral.

Pero dahil it runs in the blood, dati rin kasing artista si Yorme, ay pinayagan na rin nito ang anak na gumawa ng isang teleserye,  ang “First Yaya” kasama ang crush niyang si Cassey Legaspi, Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Pinayuhan pa nga raw siya ng amang mayor na galingan niya lang daw lalo na at first time ni JD na sumabak sa aktingan. Kailangan daw wag siyang mapahiya at patunayan na may angking talento sa pinasok na karir.

Kung okey lang sa ama niyang mag-showbiz si JD, paano naman ang kanyang ina, wala bang say ang ina sa kanyang pagsabak nang tuluyan sa showbiz?

Ani JD, may mga hesitation ang kanyang mommy sa pagpayag sa kanya na mag-artista na hindi tulad ng kanyang tatay. Nauunawaan naman ito ni JD lalo pa nga na hindi maaalis na mag-aalala ang isang ina para sa mga anak na tinedyer at nag-aaral pa.

“There is a bit of hesitation on my mom’s side because siyempre mami-miss niya ako. Mommies, you know, get to worry a lot,” sabi ni JD.