Advertisers
NANINIWALA ang mga grupo ng mga employer na posibleng sa 2022 pa tuluyang makabuwelo ang ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz – Luis, hindi puwedeng madaliin ang proseso ng panunumbalik ng mga negosyo, lalo’t hindi pa nasisimulan ang vaccination program.
Giit ni Ortiz – Luis, mahalagang unahin ang problema sa public transport system at border policy.
Maliban kasi sa COVID-19, problema rin ang African Swine Fever (ASF) at iba pang problema sa mga ibinabyaheng agriculture products.
Hindi naman naniniwala ang grupo na maaaring i-convert ang karamihang trabaho sa work from home setup.
Dagdag pa sa nagiging problema ang napakabagal na internet service, para sa mga kinakailangang transaksyon. (Josephine Patricio)