Advertisers

Advertisers

Covid update: 11,653 gumaling; 80 nasawi; 2,103 bagong kaso

0 208

Advertisers

UMAKYAT na sa 525,618 ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa dahil sa karagdagang 2,103 na bagong kaso nitong Linggo, Enero 31.

Sa pamamagitan naman ng Oplan Recovery ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 11,653 na mga recoveries dahilan para maging 487,551 na ang kabuuang gumagaling sa sakit.

Dahil dito, ang aktibong mga kaso ay umabot na lamang sa 27,318.



Habang ang mga namamatay ay nadagdagan pa ng 80 sanhi para maging 10,749.

Mahigpit pa rin ang paalala ng DOH na laging sumunod sa health protocol upang ang anumang virus mula sa variant o mutation ay maiwasan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)