Advertisers

Advertisers

DOH iimbestigahan ang ‘black market’ ng COVID-19 vaccines

0 259

Advertisers

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag tangkilikin ang mga bakuna kontra Covid-19 na iligal na ibinebenta sa bansa.
Ayon sa DOH, mapanganib ang paggamit ng mga bakuna na hindi rehistrado ng Food and Drug Administration (FDA) dahil hindi ito dumaan sa proseso at hindi aprubado.
Pinag-iingat naman ni Vergeire ang publiko dahil baka aniya galing sa “black market” ang nasabing bakuna at hindi tiyak kung ito ay authentic.
Kaugnay nito, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na nakikipag-ugnayan na ang DOH sa FDA kaugnay sa nasabing ulat.
Aminado naman ito na hamon ang monitoring sa mga naturukan na ng iligal na bakuna o mga hindi rehistra-dong bakuna ng Covid-19. (Jocelyn Domenden)