Advertisers
Ni JULIET PACOT
MUNTIK nang maging lukaret dahil sa panganganak si Andi Eigenmann pero pilit niya itong nilabanan alang-alang sa mga anak.
Ito ang ibinida ni Andi matapos makaranas ng kalungkutan o postpartum depression na kadalasang nararanasan ng mga ina matapos manganak.
Halos may isang buwan pa lamang mula nang isilang ni Andi ang kanyang third baby, pero pangalawang anak sa surfer husband-to-be na si Philmar Alipayo.
Ayon sa 30-year-old actress, ang pagkakaroon ng positive mindset ang kanyang sandata para matabunan kung makararamdam man muli ng “baby blues” o mood swings mula sa saya at takot na dulot ng hindi maayos na pagtulog.
Sa ngayon ay one year old pa lamang ang panganay nila ni Alipayo na isang babae, at babae rin ang kanyang anak sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito.
Lalaki naman ang kanilang sumunod na anak na isinilang nitong Enero.