Advertisers
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Eastern Mindanao Command chief Lt. Gen. Jose Faustino Jr., bilang Acting Commanding General ng Philippine Army.
Si Faustino ang papalit sa binakanteng puwesto ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana na itinalaga bilang ika-55th Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippine.
Ayon kay Sobejana, ang designation ni Faustino ay acting capacity dahil sa kulang na sa isang taon ang kanyang panunungkulan sa serbisyo bago magretiro.
“He has less than one year remaining in the military service, by law it should be one year,” paliwanag ni Sobejana.
Si Faustino ay kabilang sa Philippine Military Academy Class 1988 ay una nang naitalaga bilang commander ng Eastmincom noong Enero 25, 2020.
Sinabi ni Sobejana na pag-uusapan pa umano nila kung sino ang papalit na bagong commander ng Eastern Mindanao Command. (Mark Obleada)