Advertisers

Advertisers

DND, AFP pabor na ipagpatuloy ang VFA

0 219

Advertisers

DETERMINADO si Defense Secretary Delfin Lorenzana na matutuloy na ngayong taon ang Joint RP-US Balikatan exercises.
Sinabi ni Sec. Lorenzana, kabilang sa kanilang napag-usapan ng top US defense official na si Sec. Lloyd Austin ay ang taunang joint military exercises na nasuspinde nuong nakaraang taon dahil sa Covid-19 pandemic.
Ayon kay Lorenzana, posible sa buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon matutuloy na ang Balikatan exercises.
Una nang inihayag ng kalihim na mahalaga sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga ibinibigay na trainings ng US Armed Forces lalo na at nae-exposed ang mga sundalo sa mga makabagong kagamitan na meron ang Amerika.
Sa kabilang dako, pabor si Lorenzana at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipagpatuloy pa rin ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Subalit tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makakapagdesisyon kung tuluyan nitong ibasura ang VFA o itutuloy pa rin.
Dalawang beses ng sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termination ng VFA at ang pangalawang suspension ay magtatapos sa August 6, 2021.
Giit ng kalihim, malaki ang ambag sa Philippine Military ang VFA dahil sa mga trainings, equipment na ibinibigay ng Amerika at napapalakas pa ang interoperability ng dalawang bansa.
Umaasa rin si Lorenzana na hindi magbabago ang polisiya ng Amerika sa Indo-Pacific region sa ilalim ng Biden administration.
Binigyang-diin naman ng kalihim na napakaganda at matatag ang relasyon ng Pilipinas at Amerika, gayundin sa mga kaibigan nitong bansa.
Sa kabila ng isyung territorial disputes ng Pilipinas at China, sinabi ng kalihim ang relasyon naman ng Pilipinas at Beijing ay very cordial at friendly simula ng maupo sa pwesto si Pangulong Duterte.