Advertisers

Advertisers

FDA itinangging may dumating na Moderna Covid-19 vaccines

0 263

Advertisers

PINABULAANAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang balitang may dumating nang kargamento ng mga bakuna kontra COVID-19 ng Moderna sa Pilipinas.
Sinabi ni FDA Chief Undersecretary Eric Domingo, inatasan na niya ang regulatory enforcement unit ng ahensiya para silipin ang naturang usapin.
Ayon kay Domingo, malabong nakapagpadala na ng bakuna ang Moderna sa Pilipinas dahil hindi pa naaaprubahan ang distribusyon nito sa bansa.
Sinabi ni Domingo, sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang pag-uusap sa pagitan ng Moderna at pamahalaan.
Dagdag ng opisyal, posibleng sa susunod na linggo pa makapaghahain ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng kanilang bakuna ang moderna.
Iginiit pa ni Domingo, kung mayroon mang nakapasok na bakuna ng Moderna sa Pilipinas, mas malaki ang posibilidad na peke ang mga ito. (Josephine Patricio)