Advertisers

Advertisers

Emission clearance kailangan parin sa registration ng sasakyan

0 243

Advertisers

IGINIIT ni Presidential Spokesman Harry Roque na bagama’t nagsabi si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat muna ipatupad ang Motor Vehicle Inspections System (MVIS), kinakailangan pa rin magsumite ng emission clearance o MVIS sa pagpaparehistro ng saskayan.
Ayon kay Sec. Roque, ang magandang balita alinsunod sa naging utos ni Pangulong Duterte, ang mga operators ng private motor vehicle inspection centers ay nagsabing ang singil nila ay kapareho lamang ng emission test na P600.
Pahayag ni Sec. Roque, kaya may opsyon ang may-ari ng sasakyan kung emission clearance o MVIS ang kanyang isusumite sa Land Transportation Office (LTO).
Hindi raw pwede na walang isusumiteng anumang clearance sa pagpaparehistro ng sasakyan.
Sa halagang P600, sasailalim ang sasakyan sa 73 road worthy inspection check.
(Vanz Fernandez/Josephine Patricio)