Advertisers

Advertisers

Bro. Eli Soriano ng ‘Ang Dating Daan’ yumao sa edad 73

0 314

Advertisers

PUMANAW na sa edad na 73 si Ang Dating Daan (ADD) leader Brother Eli Soriano.
Kinumpirma ito mismo sa social media pages ng kanyang radio and television program nitong Biyernes ng umaga.
Gayunman, hindi pa tinukoy ang naging dahilan ng pagpanaw nito.
“It is with deep sadness, yet with full faith in the Almighty, that we announce the passing of our beloved and one and only Bro. Eliseo ‘Eli’ Soriano — a faithful preacher, brother, father, and grandfather to many,” nakasaad sa Facebook Page ng “Ang Dating Daan.”
Kasabay nito, tiniyak naman ng kanyang mga kasamahan sa publiko na sa kabila ng pagpanaw ni Bro. Eli ay ipagpapatuloy nila ang mga programa at proyektong nasimulan nito.
“While his temporary repose is a loss to many, we in the members Church of God International, Inc., would like to assure the public that the programs and projects initiated by Bro. Eli will continue,” dagdag pa nito.
Nabatid na si Soriano ay isang church minister noong ’70s bago nagsimulang mag-host ng sarili niyang radio program noong 1980 hanggang sa magsimula na ring mag-broadcast sa telebisyon na napapanood sa may 73 bansa. (Andi Garcia)