MMDA officer timbog sa pagtutulak ng shabu

58

ISANG officer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nadakip ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Kamuning Station (PS 10) ng Quezon City Police District (QCPD) sa buy-bust operation sa Barangay San Martin de Porres Martes ng gabi, Pebrero 23.
Kinilala ni QCPD PS 10 commander, Lieutenant Colonel Alex DJ Alberto, ang nadakip na si Antonio Sarmiento alyas “Bon”, 33, officer ng MMDA na nakatalaga sa Quezon City at residente ng Bgy. San Martin de Porres.
Naaresto si Sarmiento 7:30 ng gabi sa liblib na lugar sa Bernardo Street kalapit ng panulukan ng Zambales Street kungsaan isinagawa ang buy-bust operation.
Ayon kay Alberto, nakatanggap sila ng mga report at reklamo ukol sa iligal na aktibidad ni Sarmiento, kaya agad sila nagplano ng operation.
At sa pakikipagtulungan ng Cubao Police Station 7 sa ilalim ni Lt. Col. Ma. Edna Catilogo at ng tanggapan ng Philippine Drug Enforcement National Capital Region (PDEA-BCR), nadakip si Sarmiento sa pamamagitan ng poseur buyer na nakabili ng P6,500.00.
Nakuhanan si Sarmiento ng 4 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,800.00.

Leave A Reply

Your email address will not be published.