Advertisers
INABISUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na nananatili parin suspendido ang number coding scheme.
Ayon sa MMDA, “until further notice” epektibo ang suspensyon ng number coding.
Pahayag ng MMDA, suspendido ang number coding scheme habang patuloy ang pagpapatupad ng general community quarantine sa Metro Manila sa buong buwan ng Marso.
Epektibo rin anila ang suspensyon habang isinasaayos pa ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan.