Advertisers

Advertisers

Unang face-to-face flag raising ceremony isinagawa sa Kamara

0 261

Advertisers

NAGSAGAWA ng face-to-face flag raising ceremony ang House of Representatives kahapon.
Ito ang unang face-to-face flag raising ceremony ng Kamara matapos isailalim sa community quarantine ang bansa dahil sa COVID-pandemic.
Batay sa memorandum order mula sa Office of the Secretary General, lahat ng dadalo sa flag raising ceremony ay kailangan dumaan sa antigen test.
Naglaan naman ng apat na testing sites ang Kamara sa North Wing Lobby, South Wing Lobby, RVM Bldg at South Wing Annex.
Tanging ang mga may negative antigen result lamang ang papayagan na makadalo. Mahigpit din ipinatupad ang physical distancing.
Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco nagdesisyon silang magsagawa ng face-to-face flag ceremony upang ipakita sa kanilang empleyado at sa publiko na kayang mag-adjust ng Kamara at tuparin ang kanilang mandato sa gitna ng pandemiya. (Henry Padilla)