Advertisers

Advertisers

52 pang South African variant, 31 UK variant at 42 mutation natukoy sa sequencing – DOH

0 278

Advertisers

PANIBAGONG 52 kaso pa ng B.1.351 o South African variant ang natuklasan sa isinagawang genome sequencing bukod pa sa 31 karagdagang kaso ng UK variant o B.1.1.7 at 42 karagdagang mutation ng potential clinical significance.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang mga natukoy na mga kaso ay kasama sa ika-siyam na batch ng 350 samples na sinuri ng UP-PGC.
Mula umano sa NCR, rgion 7 at returning overseas Filipinos o ROFs ang mga natukoy na variant bilang tugon sa pagtaas ng bilang ng kaso sa nasabing mga rehiyon.
Ang 52 kaso na nasuring positibo sa SA variant, 41 dito ay mula sa NCR, habang 11 kaso naman ay bineberipika pa kung local cases o ROFs.
Sa UK variant, 28 ay natukoy sa NCR habang tatlo 3) pa ang bineberipika kung local cases o ROFs. Ang 31 na ito ay aktibong kaso lahat.
Habang ang natukoy namang mutation, 34 rito ay mula sa region 7, 6 sa NCR, at ang 2 ay bineberipika pa kung local cases at ROF. (Jocelyn Domenden)