Advertisers
HINDI na makatao ang naranasan ng grupong Anakbayan-Naga City nang sabuyan sila ng ihi habang nagsasagawa ng programa sa pagdiriwang ng National Women’s Day.
Ayon kay Kryss Arañas ng Anakbayan Naga City, habang nagsasagawa sila ng kanilang programa sa Plaza Oragon ay sinabuyan sila ng ihi mula sa 3rd floor ng Naga City People’s Mall.
Aniya, maliban dito, una silang nakaranas ng panghaharas nang magsagawa sila ng rally sa isang nagpakilalang pulis na siyang tinutukoy na suspek sa pagtapon ng ihi.
Dagdag pa ni Arañas, kinaladkad rin ng isang pulis ang isa sa mga miyembro ng kanilang grupo at naospital ito.