Advertisers
SIMULA sa Lunes, Marso 15 ay ipatutupad na ang uniform curfew hours mula 10 ng gabi hanggang 5 ng umaga sa Kalakhang Maynila.
Ito ang inianunsyo ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa isang virtual press briefing.
Ayon kay Abalos, nagkaisa ang mga Metro Mayors na ipatupad ang 10pm to 5am curfew sa loob ng dalawang linggo upang mapigilan ang pagkalat ng covid-19.
Aniya,halos dikit ng boto ng mga Metro Mayors at ang pinagpilian na lang ay ang oras ng curfew,kung 10pm-4am o 10pm-5am at sa huli ay napagkasunduan na gawing uniform.curfew hours ang 10pm-5am.
Nilinaw ni Abalos na may ordinansa ang bawat local government units at dito nakapaloob ang karampatang parusa sa paglabag sa curfew hours. (Jonah Mallari)