Advertisers

Advertisers

Utang uli! $400m loan ng Pilipinas sa ADB aprubado na

0 272

Advertisers

APRUBADO na ng Asian Development Bank ang $400-million loan ng Pilipinas para sa pagbili ng bakuna kontra Covid 19.
Sinabi ng ADB na ang Pilipinas ang kauna-unahang recipient ng financing support mula sa Asia Pacific Vaccine Access Facility.
“ADB’s support will boost the Philippine government’s urgent efforts to secure and deploy COVID-19 vaccines for all Filipinos, especially those who are vulnerable, such as frontline workers, the elderly, and poor and marginalized populations, as well as those at increased risk of severe illness,” ayon kay ADB President Masatsugu Asakawa.
Pahayag ng ADB, kritikal ang Covid-19 vaccines para agad na makarekober ang ekonomiya ng bansa.
Nakatakdang lagdaan at madi-disbursed ang loan sa loob ng buwang ito.