Advertisers
INARESTO ang multi-titled billiard player na si Efren “Bata” Reyes habang naglalaro ng bilyar kahit na ipinagbabawal pa ng pamahalaan dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa ulat, kumalat sa social media ang video na nagpapa-kita na kinumpiska ng mga pulis at barangay officials ang billiard equipments at dinala si Reyes na naglalarong walang suot na face mask sa San Pedro, Laguna.
Ayon sa ulat, wala umanong permit ang ginanap na laro.
Batay sa audio ng video, dinala si Reyes at iba pang players, organizers at spectators ng pool game sa barangay hall sa paglabag sa quarantine protocols.
Pinakawalan naman si Reyes at hindi narin ito kinasuhan. Inabisuhan lamang din ito ng mga otoridad na umuwi na lamang.
Tulad ng ilan pang sports, hindi parin pinapahintulutan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paglalaro ng billiards.
At dahil 66-anyos na si Bata, hindi rin ito pinapayagang lu-mabas ng tahanan maliban na lamang kung talagang kailangan.
Si Reyes ay ilang beses tinanghal na world champion at maraming beses ipinanalo ang Pilipinas sa international competitions tulad ng SEA Games, Asian Games at Olympics.