Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HINDI natiis ni Megastar Sharon Cuneta na hindi pumatol sa isang basher sa kanyang Instagram account.
Sa kanyang video post kasi ay nag-comment ang basher. Sabi nito, mabuti at noon daw naging artista si Sharon dahil hindi umano ito mapapansin kung ngayon ito mag-aartista.
Makakasabay daw kasi nito sina Bea Alonzo, Liza Soberano at Anne Curtis. Pinalalabas ng basher na hindi maganda si Sharon dahil mataba ito. Tinira pa nito ang pagiging kamukha ni Sharon sa tatay nito.
Ang sagot ni Sharon sa basher, bago pa raw dumating sina Bea ay maganda na talaga siya. Ipinamukha pa nito sa basher na marunong siyang kumanta, sumayaw at umarte.
Tila ipinamukha o iflinex ni Shawie sa basher na nakapagpayaman siya ng producer noong panahon niya at bumanat ng ‘engot’ bilang pagtatapos.
In fairness naman kay Sharon, maganda siya nung kanyang kabataan. At kahit naman ngayon, tumaba lang naman siya at hindi pumangit.
Kung halimbawang bata pa siya ngayon, at papasukin ang showbiz, kaya niyang makipagsabayan kina Bea, Anne at Liza dahil maganda naman talaga siya at talented pa.
Noong pasukin niya ang showbiz nung teen-ager pa lang siya, di ba’t nagkarun siya ng puwang dito? At sumikat pa na naging dahilan nga para bansagan siyang Megastar.
***
KASAMA si Ali Fobres sa pelikulang Nelia na bida si Winwyn Marquez. Mula ito sa A and Q Productions. Gumaganap siya bilang si Anna na isang seksing nurse.
“Eto yung role na exciting for me. Kasi ngayon ko lang siya gagawin. And at the same time, me mga gagawin ako sa movie na ‘to na talagang kaabang-abang. The character itself, kakaiba siya.
“Hindi lang siya maarte. Hindi lang siya suplada. Dahil si Anna, meron siyang mysterious din na character sa Nelia,” sabi ni Ali tungkol sa kanyang role sa Nelia.
Karamihan ng nagawang role ni Ali ay nagpa-sexy siya, me mga daring scenes siya. Sa Nelia ba ay daring din siya?
“Abangan na lang ng mga tao. Basta ang masasabi ko lang, ibang Ali ang makikita sa Nelia,” sagot ng aktres.