Advertisers

Advertisers

Barangay frontliners pinasasama na sa ‘A1’ list ng covid vaccines

0 265

Advertisers

PINASASAMA ni Deputy Speaker Bienvenido Abante ang barangay frontliners sa A1 category ng COVID-19 vaccination rollout.

Diin ni Abante, dapat lamang na maisama sa priority list ang barangay officials, workers at tanod sa vaccination program dahil madalas na lantad ang mga ito sa COVID-19.

Ang apela ng mambabatas ay matapos makatanggap ng mga ulat sa kanyang distrito na ilang mga barangay officials na tinamaan ng COVID-19 habang tinutupad ang kanilang trabaho habang may ilan din na pumanaw.



Mula aniya nang magsimula ang pandemya ay naging katuwang ng gobyerno ang mga barangay frontliners sa pamamahagi ng tulong, pagbabantay sa COVID-19 cases sa mga komunidad, pagpapanatili ng kaayusan at pagtiyak na nasusunod ang mga ipinapatupad na health protocols.

Dagdag pa ng kinatawan, oras na umpisahan na ang pagbabakuna sa publiko ay tiyak na kakailanganin din ang tulong ng mga barangay workers kaya marapat lamang na maisama sila sa mga prayoridad na mabakunahan bukod pa sa mga barangay health personnel. (Henry Padilla)