Advertisers

Advertisers

Ex-Mayor sa Laguna patay din sa covid

0 414

Advertisers

LAGUNA – Binawian ng buhay matapos makipaglaban sa Covid-19 ang dating alkalde ng Liliw dito sa lalawigan.

Ayon sa kasalukuyang Liliw municipal mayor Ericson Sulibit, dalawang linggo na-confine sa Global City Hospital sa bayan ng Bay ang kanyang ama, dating alkalde Cesar “Akong” Sulibit, 71 anyos, mula nang magpositibo sa virus.

Idinagdag nito na nasa maayos namang kalagayan ang kanilang pamilya.



Tanggap narin, aniya, ng mga ito ang hindi inaasahang pangyayari.

Binawian ng buhay ang dating alkalde pasado 5:00 Lunes ng hapon.

Agad namang nagsagawa ng contact tracing ang pamunuan ng Municipal Health sa lugar matapos makumpirma na positibo ang dating alkalde sa virus.

Ilang araw pa lamang ang nakalilipas ay bawian din ng buhay ang Famy municipal mayor na si Edwin Pangilinan at kanyang ina dahil din sa Covid-19.

Ang Laguna ay kasama sa mga lalawigan na muling isinailalim sa Enhanced Community Quarantine o lockdown simula Marso 29 dahil sa muling paglobo ng kaso ng Covid-19. (DICK GARAY)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">