Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
MATAGAL nang may kinikimkim na sama ng loob ang kaibigan naming si Ms. Claire dela Fuente (pumanaw last March 31) sa mga dating alagang sina Sam Pinto at Bela Padilla.
Matapos kasi alagaan ni Claire ang mga nasabing aktres ay basta na lang siyang tinalikuran ng mga ito, na para bang wala siyang naitulong sa karera nina Bela at Sam samantalang siya ang nagbigay ng magagandang projects sa dalawa tulad ng launching teleserye ni Bela sa GMA at Sam sa mga naging proyekto nito sa ABS-CBN.
Well, kung parehong ingrata ang dalawa at deadma sa maagang pagpanaw ni Ms. Claire ay mapupuri mo naman si Yam Concepcion na former talent din ni Ms. Claire na sa virtual grand mediacon ng bagong teleserye nitong Init Sa Magdamag ay ang actress mismo ang nagkwento tungkol sa pagkaka-discover sa kanya ni Claire at last Sunday ay nagkausap pa raw sila nito.
Bilang pasasalamat niya sa dating manager na singer ay iniaalay niya ang kanyang serye para rito.
May isa pang alaga si Ms. Claire na loyal sa kanya hanggang ngayon at ito ay si Meg Imperial na nasa lock-in taping yata ng teleserye sa NET25 with Fabio Ide. Samantala, nitong Lunes ay inihatid na ng bunsong anak na si Mickey at ng pamilya sa kanyang huling hantungan si Claire sa Loyola Memorial Park sa Paranaque. Itinabi ang kanyang abo (urn) sa puntod ng husband na si Moises de Guzman na namayapa naman noong 2006.
Naulila ni Claire ang mga anak na sina Gigo, Mickey, at adopted 5-year-old daughter na si Rihanna. Paalam and Rest In Peace Ms. Claire dela Fuente.
***
JC Garcia Ayaw Magpa-Stress Sa Mga Umaaway Sa Kanya, Online TV Show Sa ATC Channel 31 Best TV Patuloy Sa Pagdami Ng Viewers
Kahit bago pa lang ang online TV show ni JC Garcia ay isa ang kanyang “JC Garcia Live” sa pinaka-pinanonood sa ATC Channel 31 o BEST TV na ang followers ay over 1 million na.
This week ay pang-apat na episode na ng show ni JC sa ATC Channel and infairness to Fil-Am recording artist ay mahusay siyang host at very entertaining ang kanyang programa.
Nakadagdag sa ganda ng kanyang show ang pakikipag-chikahan niya sa kanyang guest at twice na nitong naging panauhin ang co-singer na si Ms. Anette Velasco na pinsan ni Gabby Concepcion.
May pakontes din si JC kaya dapat abangan lagi ng viewers ang pakulo niyang ito na namimigay siya ng dollars sa sinumang makakahuhula ng mga kanta (old hits). Live ang show ni JC sa Daly City California ng 9:00 PM ng Friday na mapapanood naman ng 1:00 PM dito sa Pinas. Last April 6 ay si JC ang special guest ng international recording artist na si Mika Lorie sa show nito na mapapanood din sa ATC Channel 31. Parehong malakas ang show nila ng said female singer.
***
Deejay Recording Artist Liza Javier, Guest Sa Online Show Ni Karen Davila Sa KUMU
Mga artista at singer na based sa iba’t ibang bansa ang nagiging guest ni Ms. Karen Davila sa kanyang digital o online show na “Karerin Natin ‘Yan” na mapapanood sa KUMU.
And today, April 8 ay ang kilalang Deejay at Musician from Osaka, Japan na ngayo’y isa ng certified recording artist na si Liza Javier ang isa sa special guest ni Ms. Karen sa kanyang programa.
At tiyak marami ang mai-inspire sa istorya ng buhay ni Liza na sa sariling diskarte ay narating ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon. Bukod sa pagiging singer ay bongga ang credentials ni Ms. Javier na isa ring ALT English teacher sa Japan at interpreter ng Japanese language.
Sa said guesting kay Karen ay ipo-promote rin ni Liza ang kanyang first single na “Sayang Lang” na dahil may recall ang lyrics ng Tagalog love song na ito na likha ni Rene “Alon” Dela Rosa ay sinasabayan na ito ng marami.
Malapit na ring i-release ang second single ni Ms. Javier. Mapapanood niyo pala ang guesting ng nasabing recording artist kay Karen sa https://www.facebook.com/1000401–
35955911/posts/480380019976526/