Walang sustansiyang feeding program

134

MARAMING nagrereklamo sa akin tungkol sa feeding program ng gobyerno.

Ayon sa daycare teachers sa ilang bayan sa Tablas island, Romblon, isa sa mga poorest province sa ating bansang Pilipinas, na naatasan magsagawa ng feeding sa mga batang malnourish o kulang sa timbang, NFA rice, noodles, misua at ilang de lata ang ibinibigay sa kanila para ipakain sa mga bata.

Apat na kilo ng bigas (NFA) daw ang ibinibigay sa bawat batang kabilang sa feeding.

Ang kaso hindi raw makain ng mga bata ang NFA rice, dahil ‘di maganda ang lasa. At ang ibang bata naman ay nagkaka-UTI na sa madalas na noodles.

Anong sustansiya ang makukuha sa noodles, de lata at misua? Meron ba? Kung meron man, tiyak konti lang. Mas masustansiya kung mga gulay na may halong karne ang ipakain sa mga bata, right?

At paano naman gaganahan ng pagkain ang bata kung ‘di maganda ang kanin?

Sayang ang pondo at effort kung ang isusubo mo sa mga bata ay wala ring sustansiya. Right?

Baka naman kinakatkong ng local DSWD ang talagang budget sa feeding program? Hmmm…

Nung makapanayam namin si Cabinet Secretary Karlo Norgales, ang tserman ng ‘Task Force Zero Hunger’ ng Duterte administration, sinabi niyang malaki ang budget ng gobyerno para sa feeding program sa mahihirap na rehiyon o probinsiya. Kabilang sa binanggit niyang probinsiya ang Romblon.

Nito ngang mga nagdaang araw ay sunud-sunod akong nakatanggap ng text mula sa daycare teachers sa ilang bayan sa Romblon, inirereklamo nila ang NFA rice, moodles, de lata at misua na ibinibigay sa kanila para pam-feeding sa mga bata. Nagka-UTI raw ang ibang bata.

Narito ang text ng daycare teacher sa isang bayan sa Tablas, Romblon: “Aysus Sir, ang feeding dito sa amin, grabe. Nagbigay ng bigas ang MSWDO, NFA naman. Yun po ba ang feeding para sa mga bata. Halos araw-araw noodles po. Nakaka-UTI po un ee…”

Text ng isa pang daycare teacher sa isa pang bayan ng Romblon: “Sir Joey, nakakatawa ang feeding (sa) daycare dito sa amin, ang bigas na ibinigay NFA. Tapos araw-araw pa kami pumupunta sa daycare, nagluluto dahil ayaw pumayag si (DSWDO head) na ibigay ang feeding sa mga nanay. Kaya araw-araw kami pumupunta sa school para magluto.”

Text ng isa pang titser: “Nag-aambagan po kami sa pambili ng gasul at mantika para sa pagluto.”

Sabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista, noong walang pandemya ay sa school isinasagawa ang feeding. Pero ngayong may pandemya ng coronavirus virus disease ay ibinibigay bahay-bahay ang suplay para sa mga batang kulang ang timbang. Ang parents na ang bahala magluto.

Anyway, tinatawagan natin ng pansin si Sec. Nograles, ang DILG Sec. Eduardo Año, at ang DSWD Sec. Bautista. Tingnan ang nangyayari sa ibaba. Kung naipapatupad ba ng maayos ang feeding program ng gobyerno sa mga lokalidad. Dahil mukhang kinakatkong ng mga local DSWD ang budget sa feeding. Mismo!

***

Nagkakagulo ang mga tao sa ayuda sa ECQ areas.

Dito sa Tondo, Maynila, nagrereklamo ang mga tambay at adik: Kulang daw ang naibigay na ayuda sa kanila. Tsk!

Masuerte nga kayo’t may ayuda…eversince naman tambay kayo!. Hindi nga nagrereklamo ang direct taxpayers na nawalan ng trabaho sa pandemya at ‘di kasama sa ayuda. Ewan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.