SK chair, nurse timbog sa droga

34

TIMBOG ang 4 na tulak, kabilang ang isang SK chairman at isang nars, sa magkakahiwalay na operasyon kontra iligal na droga sa Nueva Ecija nitong Miyerkules.
Inaresto si alyas Ai, 22 anyos, SK chairman sa lungsod ng Gapan, sa buy-bust operation sa Barangay Bayanihan. Nakuha sa kanya ang 5 sachets ng shabu.
Magkakasama namang inaresto sa Cabanatuan City ang 32 anyos na nars na si alyas Anne, at 2 iba pa.
Nakuha sa tatlo ang 9 sachets ng shabu at 2 stalk ng dried marijuana na humigit kumulang P10,500 ang street value.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Leave A Reply

Your email address will not be published.